PINABULAANAN | Malacañang, itinangging panakip butas lang ang Red October Ouster para tapalan ang problema ng inflation

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na hindi pinalulutang ng Administrasyong duterte ang Red October ouster plot para pagtakpan ang problema sa Inlfation sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi kailangang pagtakpan ng Pamahalaan ang poblemang ito dahil lahat naman ay apektado ng inflation.

Patunay pa ni Roque na hindi ito pinagtatakpan ay malacanang pa ang naganunsiyo ng mga hakbang na ginagawa ng Pamahalaan para mapababa ang presyo ng bilihin sa Bansa.


Sinabi ni Roque na ang Red October ay base sa intelligence information na nakalap ng Armed Forces of the Philippines.

Facebook Comments