PINABULAANAN | “One-night stand” issue ni Loisa Andalio sa isang non-showbiz guy – itinanggi ng young actress

Manila, Philippines – Itinanggi ng young actress na si Loisa Andalio na ang “one-night stand” issue di umao niya sa isang non-showbiz guy ang dahilan kung bakit “On The Rocks” ngayon ang relasyon nila ng boyfriend na si Ronnie Alonte.

Matatandaang inulan ng kaliwa’t kanang pamba-bash at panghuhusga si Loisa dahil sa nasabing isyu.

Pero sa isang interview, sinabi ng young actress na hindi totoo ang isyu ng one-night stand.


Bagama’t aminadong siya ang may nagawang kasalanan, na-offend daw talaga siya sa panghuhusga sa kanya ng mga taong wala namang alam sa kung ano ang nangyari.

Nagpapasalamat na lang din daw talaga siya dahil hindi sila pinabayaan ni lord.

At kung may isang bagay man siyang natutunan sa nangyari, ito ay ang kasabihang “Trust No One”.

Hindi naman na binanggit ni Loisa kung ano ang eksaktong dahilan ng naging love quarrel nila ni Ronnie.

Facebook Comments