Manila, Philippines – Itinanggi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nasa floating status si DOT Undersecretary Katherine De Castro.
Si De Castro ay kabilang sa 10 usec at asec na inaasahang babakantehin ang kanilang pwesto matapos utusan ni Puyat na magsumite ng kanilang courtesy resignation dahil sa isyu ng korapsyon.
Ayon kay Puyat, nagkausap na sila ni De Castro at itinanggi na nito ang mga alegasyon na nakuha ng kaniyang kumpanya ang ilang kontrata sa DOT.
Gayunman nilinaw ng kalihim na nirerebisa pa niya ang lahat ng proyekto at kontrata na pinasok ng mga usec at asec sa DOT kasama na ang kanilang biyahe sa abroad.
Facebook Comments