PINADADAGDAGAN | Buying price ng bigas, pinatataasan ngayong pagtama ng bagyong Ompong sa bansa

Manila, Philippines – Bunsod ng bagyong Ompong, muling kinalampag ni House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles sa National Food Authority na itaas ang buying price ng bigas mula sa mga local farmers.

Sa suhestyon ni Nograles, pinatataasan niya sa P22 per kilo ang halaga ng bibilhing bigas sa mga lokal na magsasaka mula sa kasalukuyang P17 kada kilo.

Partikular na pinabibili ang bigas sa mga local farmers ng Mindanao upang mapadami ang buffer stock ng NFA at mapababa ang presyo ng bigas.


Makakatulong din kung tataasan na ang buying price ng bigas sa mga magsasaka sa buong bansa upang makabawi naman ang mga ito sa pinsalang idinudulot ng bagyo sa mga pananim.

Giit ni Nograles, sampung taon na nang huling itinaas ang buying price ng palay dahilan kaya bigo ang NFA na abutin ang target na suplay ng bigas sa bansa.

Facebook Comments