PINADALI | Duty at tax free privilege sa mga balikbayan boxes, niluwagan

Manila, Philippines – Niluwagan na ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang panuntunan kaugnay ng duty at tax free privilege sa mga balikbayan boxes.

Ito ay matapos magreklamo ang mga Overseas Filipino Worker o OFW sa napakaraming kakailanganin bago makapag-avail ng P150,000 duty at tax exemption privilege.

Ayon sa BOC, tumatanggap na sila ng ibang dokumento bilang patunay ng pagiging Filipino citizenship.


Kabilang rito ang passport, permanent resident ID, OWWA card, working permit at unified government ID.

Ang mga nag-qualified naman sa pag-avail ng P150,000 duty at tax exemption privilege ay hindi na kailangang magsumite ng commercial invoice ng laman ng balikbayan box.

Gayunman, kailangan nilang magsumite ng information sheet na ipapadala sa kanilang freight forwarder at consolidator.

Facebook Comments