Manila, Philippines – Mas mapapadali na ngayon ang pagsasagawa ng assessment at inspeksyon sa mga establisimento sa buong bansa.
Ito ay matapos ipakalat ng DOLE ang 57 mga bagong volunteer labor inspectors mula sa professional groups, labor organizations, employees associations at NGO.
Partikular na magsasagawa ng inpeksyon ang mga dagdag na labor inspector ng DOLE sa bahagi ng Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Caraga at National Capital Region.
Dahil sa panibagong batch na sinanay ng DOLE, umabot na ngayon sa 215 ang bilang ng mga volunteer na kapartner ng ahensya.
Ang mga volunteer inspector ay binigyang kaalaman kaugnay sa mga general labor standards at occupational safety and health (OSH) para sa labor compliance at iba pang kinakailangang hakbangin.