KALMA LANG | Kalusugan ni PRRD, walang dapat ikabahala – Speaker Arroyo

Manila, Philippines – Naniniwala si Speaker Gloria Arroyo na walang dapat ikabahala sa kalusugan ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Arroyo, maging siya ay nagpapagamot din at nagpapaospital katulad ng Pangulo.

Ibinida pa ni Arroyo na sa kabila ng pagpapagamot ay nagagawa niyang makipagsabayan sa mga kongresista sa puyatan.


Sa katunayan aniya ay nagawa niyang mag-marathon budget hearing na inabot na ng kinabukasan ng alas sais ng umaga.

Kung nakakaya niya ay tiyak na makakaya din ng Pangulo ang kanyang tungkulin sa pamahalaan.

Matatandaang inamin ni Pangulong Duterte na nagpa-admit siya sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan nito lamang Miyerkules para sa follow up check up at tests matapos ang isinagawang endoscopy at colonoscopy sa kanya tatlong Linggo na ang nakakaraan.

Facebook Comments