PINADALI | Mega bridge na magkokonekta sa Hong Kong, Macau at China bubuksan na

Pangungunahan mismo ni Chinese President Xi Jingping ang pagbubukas ng pinakamahabang sea bridge sa buong mundo sa araw na ito.

Ang 55-kilometrong habang tulay ay magdudugtong sa Lantau Island sa Hong Kong, Macau at sa isla ng Zhuhai sa China.

Kinokonsiderang isang engineering marvel, inaasahan na mapapabilis ng mega bridge ang paglalakbay at kalakalan sa tatlong teritoryo ng China.


Pero marami rin ang bumatikos sa proyekto dahil sa laki ng ginastos, mga alegasyon ng korapsyon at sa dami ng mga namatay ng mga construction worker sa pagtatayo ng mega bridge na nagsimula noong 2009.

Bukod pa rito, mahigpit din ang patakaran para makatawid sa Zhuhai ang mga residente ng Hong Kong.

Bubuksan sa publiko ang mega bridge simula bukas.


Facebook Comments