PINADALI | Parañaque Integrated Terminal Exchange, pormal nang bubuksan sa Lunes

Manila, Philippines – Inaasahang giginhawa na ang araw-araw na biyahe ng mga pasahero mula Cavite at Batangas patungong Metro Manila.

Ito ay dahil opisyal nang bubuksan sa Lunes, November 5 ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Coastal Road.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Mark De Leon – magiging kauna-unahang integrated at multi-modal terminal o landport ito sa timong-kanlurang bahagi ng Kamaynilaan.


Mayroon itong arawang kapasidad na aabot sa 200,000 pasahero.

Magsisilbi itong transfer point sa pagitan ng mga provincial buses mula Cavite, Batangas at city buses ng Metro Manila.

Kapag naging operational na ito, inaasahang mababawasan ang bilang ng provincial buses na dumadaan sa Metro Manila lalo na sa Taft Avenue at EDSA sa Pasay City.

Ang PITX ay isa sa flagship projects sa ilalim ng build build build program ng Duterte Administration.

Facebook Comments