PINAG-AARALAN | Mga pulis na nasa Holding and Accounting unit ng PNP, ipapatapon sa Mindanao

Manila, Philippines – Pinag-Aaralan na ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albaylde na ipatapon sa Mindanao ang mga pulis na nasa holding and accounting unit ng PNP.

Kabilang dito ang tatlong magkakapatid na pulis na nag-viral kamakailan sa social media matapos na komprontahin sa kanyang bahay ang isang sibilyan dahil sa away-trapiko.

Ayon kay Albayalde – kagagaling niya lang sa Koronadal at napag-alaman niyang nangangailangan doon ng mga karagdagang pulis.


Mas mabuti na aniyang ma-assign sa ibang rehiyon ang mga ito kaysa pa-relax relax lang sa holding and accounting unit habang gumugulong ang imbestigasyon sa kanilang mga kaso.

Facebook Comments