PINAG-AARALAN | Misencounter sa Samar, planong paimbestigahan ng Kamara

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng House Committee on National Defense and Security ang paglulunsad ng sariling imbestigasyon sa nangyaring misencounter sa pagitan ng mga sundalo at mga pulis ng Samar.

Ayon kay National Defense and Security Vice Chairman Ruffy Biazon, nakahanda silang magsagawa ng imbestigasyon sa Kamara sakaling kailanganin ng lehislayon para hindi na maulit ang misencounter.

Pero, sinabi ni Biazon na hihintayin muna nila ang resulta ng imbestigasyon ng AFP at PNP sa insidente kung saan anim na pulis ang nasawi.


Hiniling ni Biazon na bigyan ng AFP at PNP ang investigating bodies ng ‘free hand’ na gawin ang pagsisiyasat at tiniyak nito na wala silang sasantuhin sa imbestigasyon.

Gagamitin ng lupon ang lahat ng ‘legal means’ para matukoy ang ugat ng pangyayari at mapanagot ang mga responsable sa nangyaring misencounter.

Facebook Comments