PINAG-AARALAN NA | Higit 600 tauhan ng BOC, nanganganib na mapalitan

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng gobyerno na palitan ang nasa 650 tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa gitna na rin ng pinaigting na kampanya kontra korapsyon at smuggling.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III – pinag-usapan na nila ni bagong Customs Chief Rey Guerrero ang reorganization sa kawanihan.

Aniya, gumagawa na si Guerrero ng listahan ng lahat ng personnel at pinag-aaralan na ang lahat ng procedures kung paano ipatutupad ang balasahan.


Punto pa ng kalihim, ang mga technical personnel na itatalaga sa customs ay kinakailangang sumailalim sa extensive training program.

Nabatid na inatasan ng Pangulo ang militar na maibalik ang law and order sa BOC kasunod ng pagkakalusot ng bulto-bultong ilegal na droga gamit ang magnetic lifters.

Facebook Comments