PINAG-AARALAN NA | Ocampo, Castro – maghahain ng counter charges

Manila, Philippines – Maghahain ang kampo nina dating Representative Satur Ocampo at ACT Teachers Partylist Representative France Castro ng counter charges laban sa mga pulis at militar na umaresto sa kanila.

Ayon kay Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, magsasampa sila ng reklamo para mabigyang leksyon ang nasa likod ng pangha-harass sa grupo ni Ocampo at Castro kung saan ilegal na ikinulong ang grupo nina Ocampo.

Sa ngayon pinag-aaralan na nila ang insidente para sa mga isasampang kaso laban sa mga sundalo, alamara paramilitary group at sa PNP.
Isa sa mga opsyon na kanilang isasampang kaso ay reklamong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman.


Facebook Comments