Manila, Philippines – Patuloy na pinag-aaralan at wala pang desisyon ang pamunuan ng Department of National Defense o DND para bumili ng submarines.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, mas tinututukan ng DND ang pagbili ng mga equipment na mas kailangang ng Armed Forces of the Philippines at bahagi ng AFP Modernization Program.
Paliwanag ng kalihim dapat dumaan sa tamang proseso at nakabatay sa Philippines laws ang pagbili ng submarine.
Kailangan rin aniyang maabot ng bansa ang mga requirements sa pagbili at paggamit ng submarines.
Una nang inihayag ng gobyerno ang planong pagbili ng kauna- unahang diesel –electric submarines bilang bahagi ng pagpapa-angat ng kapabilidad ng military sa harap na rin ng pagdami ng mga security challenges ng bansa.