Manila, Philippines – Pinag-iingat ng gobyerno ang mga Pilipino sa mga sakit na pangunahing ikinamamatay ng mga Pilipino.
Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), animnaput anim na mga Pilipino sa kada minuto o katumbas ng isang libo limang daan at siyamnaput isa na mga Pilipino sa kada araw ang namamatay.
Pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino ang heart diseases, cancer at pneumonia.
Sa humigit kumulang 580,000 na registered deaths noong 2016, 74,134 death cases ay dahil sa heart diseases, 60,470 naman ay dahil sa cancer habang 57,809 na kaso ng pagkamatay ay dahil naman sa pneumonia.
Ilan pa sa mga matataas na death cases ay cerebrovascular diseases, hypertensive diseases, diabetes, other heart diseases, respiratory tuberculosis, chronic lower respiratory infections at genitourinary disease.