PINAG-IINGAT | DFA, kinondena ang panibagong terror attack sa Indonesia

Manila, Philippines – Nagpaabot ng simpatya at panalangin ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Indonesia kasunod ng terrorst attack sa Subaraya, East Coast ng Java Island.

Nabatid na sampu ang namatay habang mahigit apatnapu ang naitalang sugatan kabilang na ang dalawang pulis sa pagpapasabog sa tatlong catholic church.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ang Pilipinas ay nalulungkot sa panibagong insidente ng terorismo at nagpaabot ng simpatya at panalangin sa mga mamamayan


Malugod naman na ibinalita ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na walang Filipinong napabilang sa mga naitalang casualties.

Target ng mga pagsabog ang Santa Maria Catholic Church, Indonesian Christian Church at Pentecost Central Church.

Apat ang patay sa pagsabog sa Santa Maria Church, dalawa ang patay sa Indonesian Christian Church at dalawa ang patay sa Pentecost Central Church.

Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa labas ng bansa na maging mapagbantay at maingat, kasunod ng panibagong terror attack sa Indonesia.

Facebook Comments