PHILIPPINE RISE | Pangulong Duterte, pangungunahan ang commemoration ukol sa pagpapangalan ng Benham Rise bilang Philippine Rise ngayong araw

Manila, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang commemoration ng pagpapangalan ng underwater plateau na Benham Rise bilang Philippine Rise.

Ayon kay AFP Northern Luzon Command Public Information Chief, Lieutenant Colonel Isagani Nato, gaganapin ang commemorating ceremony sa Aurora Province.

Magpapadala rin ang Pilipinas ng team na binubuo ng 50 Pilipinong scientist na magsasagawa ng pananaliksik sa Philippine Rise at maglalagay din ng marker o palatandaan sa lugar.


Magsasagawa rin aniya ng maritime air patrol ang tropa sa lugar.

Layunin nitong mabigyang diin ang karapatan at soberenya ng bansa sa Philippine Rise na idineklara ng United Nations na bahagi ng ating continental shelf.

Facebook Comments