Manila, Philippines – Naglabas ng travel advisory ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Paris, France dahil sa nangyayaring kaguluhan doon.
Ayon sa DFA, hanggang maaari ay huwag munang pumunta sa mga kilalang destinasyon sa France.
Kabilang rito ang Champs-Elysées, Arc De Triomphe, Louvre, Tuileries, Place Vendome, Avenue Friedland, Avenue Kléber at sa ibang mga lugar kung saan maaaring magdaos ng mga kilos protesta.
Maliban rito, pinaalalahanan rin ng DFA ang mga Pinoy na huwag sumali sa mga pagkilos.
Matatandaang sumiklab ang kaguluhan sa France dahil sa pagpapataw ng environmental tax at patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo.
Tiniyak naman ni Philippine Ambassador to France Theresa Lazaro na patuloy ang kanilang pag-monitor sa sitwasyon at bukas sa mga Pinoy na mangangailanagn ng tulong.