PINAG-IINGAT | DOH, nagbabala kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa

Manila, Philippines – Nagbabala ngayon ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

Kasunod na rin ito ng naitalang 21 percent na pagtaas o katumbas ng mahigit 138,000 na kaso ng dengue mula January 1, 2018 hanggang October 6, 2018 kung saan umabot na 700 ang nasawi.

Sa interview ng RMN Manila kay Health Secretary Francisco Duque III, muli siyang nagpaalala sa mga dapat gawin ng publiko para mapuksa ang nakamamatay na sakit.


Aminado ang kalihim na dahil sa Dengvaxia controversy, wala pang gamot o bakuna laban sa dengue.

Nabatid na ang Central Luzon ang nakapagtala ng may pinakamaraming kaso, na sinundan ng NCR, Region 4-A, Ilocos Region at Western Visayas.

Facebook Comments