PINAG-IINGAT | DTI nagbabala kontra depektibong Christmas lights

Pinag-iingat ng Department of Trade & Industry (DTI) ang publiko laban sa mga sub-standard na Christmas lights.

Ito ay matapos makumpiska ng mga tauhan ng DTI ang kahong kahong LED Christmas lights sa Tayuman lungsod ng Maynila nitong nakalipas na linggo.

Nagkakahalaga ang mga nakumpiskang Christmas lights ng higit sa P76,000.


Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo ang mga depektibo at sub-standard na Christmas lights ay maaaring pagmulan ng sunog.

Payo nito sa mga mamimili, bumili lamang ng Christmas lights sa mga kilalang hardware o tindahan at siguraduhing mayroon itong Import Commodity Clearance o ICC sticker.

Facebook Comments