PINAG-IINGAT | MPD, nagpaalala sa publiko na ba-biyahe ngayong Semana Santa

Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Manila Police District (MPD) ang mga may lakad ngayong Semana Santa laban sa mga modus ng kawatan.

Ayon kay Lawton PCP Deputy Commander Senior Police Officer Magpantay,kasabay ng pag dami ng mga pasahero, sumasabay din ang mga masasamang loob.

Kabilang na dito ang salisi gang at budol-budol sa mga terminal at sa loob ng pampasaherong sasakyan.


Ayon kay Magpantay, marami na silang natatanggap na reklamo ng mga pasaherong nananakawan sa terminal.

Sa ngayon normal pa ang dami ng pasahero sa Lawton at Park and Drive.

Posibleng bukas o sa Lunes pa ang pagdagsa ng pasahero sa mga terminal sa Maynila.

Facebook Comments