INSPIRED | Pagendorso ni Pangulong Duterte magsisilbing inspirasyon ayon kay Secretary Bong Go

37

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go ang pagendorso sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka senador.

Matatandaan kasi na sa talumpati ni Pangulong Duterte kagabi ay sinabi nito na matalino si Go at tiyak na mananalo ito sa senatorial elections.

Ayon kay Secretary Go, natutuwa siya na inindorse siya ni Pangulong Duterte at nawawala ang kaniyang pagod kahit 24 na oras magtrabaho.

Pero sa ngayon aniya ay masyado pang maaga para pagusapan ang pulitika at magiging motivation aniya ito sa kaniyang pagsisilbi sa Pangulo at sa sambayanang Pilipino.

Facebook Comments