PINAG-IINGAT | Pastor Boy Saycon, tuturuan ng communication protocols ng Malacañang

Manila, Philippines – Pinagiingat sa pagsasalita sa publiko ng Palasyo ng MalacaƱang si Commissioner Pastor Boy Saycon patungkol sa mga maseselang impormasyon patungkol sa pamahalaan.

Ito ang sinabi ng MalacaƱang matapos sabihin ni Saycon na mayroong angulong destabilisasyon kontra kay Pangulong Rodrigo Duterte kaya nito nabanggit ang issue patungkol sa Diyos at sa Simbahan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sasabihan niya si Saycon na magingat sa mga sinasabi sa publiko at sa media at ituturo dito ang sinusunod na communication Protocols ng MalacaƱang.


Paliwanag ni Roque, mayroong sinusunod na proseso ang pamahalaan sa paglalabas ng impormasyon patungkol sa mga ganitong usapin at ito ang kanyang ilalatag kay Saycon.

Tinawag pang bagito ni Roque sa Administrasyon si Saycon ngunit malalim naman aniya ang relasyon nito sa mga namumuno sa Simbahan na kailangan nila para sa pakikipagusap sa mga Religious Groups.

Facebook Comments