Manila, Philippines – Ngayong nalalapit na ang panahon ng bakasyon, nagpaalala na rin sa mga biyahero ang Department of Tourism (DOT).
Sinabi ni DOT Assistant Secretary Ricky Alegre, kapag sumasapit ang panahon ng bakasyon ay hindi rin nakakaligtas ang publiko sa mga modus ng mga masasamang elemento, lalo na sa usapin ng kanilang pagpapa-book o paghahanap ng lugar na mapapasyalan.
Karaniwan kaseng reklamong nakakarating sa ahensya ay may mga indibidwal ang nambibiktima sa pamamagitan ng online booking, lalo na yun kumukuha ng schedula ng kanilang transportasyon, resort o hotel na pupuntahan.
Dapat anyang pakasiguruhin ng publiko na mismong mga may-ari o kinatawan ng isang establisyimento o kumpanya ang katransaksyon.
Dahil dito, hinimok ni alegre ang publiko na buksan na lamang ang official website ng DOT na www.dot.gov.ph at makikita ang listahan ng mga lugar, hotel at transportasyon na establsyimento na accredited ng gobyerno.
Sa ganitong paraan anya ay makatitiyak ang publiko na ang makaka-transaksyon ng mga ito ay lehitimo at hindi bogus lamang.