Pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa land reform ang Negros Island.
Ito ay para tugunan ang paglaganap ng ‘feudalism’ sa lugar.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasunod ng pagpatay sa siyam na magsasaka sa Sagay, Negros Occidental nitong October 20 na umano ay nagtangkang umokupa ng bahagi ng Hacienda Nene sa Barangay Bulanon.
Ayon kay Pangulong Duterte, awayan sa lupa ang isa sa pangunahing problema ng lugar.
Paniniwala pa ng Pangulo, hindi magkakaroon ng peaceful resolution sa kontrobersiya kung hindi mareresolba ang pyudalismo na nangyayari sa lalawigan.
Sinasamantala rin aniya ng mga rebeldeng komunista ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng federation of farmers.
Facebook Comments