PINAG-RERESIGN | Mga opisyal ng DOTr at MIAA, pinagbibitiw ni Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Dumagdag na rin si Senator Antonio Trillanes IV sa mga nananawagan na magbitiw sina Transportation Secretary Arthur Tugade at Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal.

Dahil ito sa aberya sa operasyon ng Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) matapos sumadsad ang Xiamen Aircraft.

Sa gagawing pagdinig ng Senado ay uusisain ni Trillanes kung bakit walang sapat na kagamitan ang pamahalaan para sa mga nagkakaproblemang eroplano kaya natagalang maalis ang Xiamen Aircraft sa runway ng NAIA.


Para kay Trillanes, mahina ang mga airport officials dahil hindi napag-aralan at napagplanuhan ang mga ganitong insidente sa paliparan.

Sabi pa ni Trillanes, dapat ay sumama na rin sa pagbibitiw si Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod sa naging problema sa NAIA, ay binanggit din ni Trillanes ang hindi pa rin narerolbang suliranin sa trapiko sa ilalim ng pamumuno ni Tugade sa DOTr.

Facebook Comments