Pinag-usapan ni Pangulong Duterte at magasawang Tiamzon, hindi pa isinasapubliko ng Malacañang

Manila, Philippines – Hindi pa nakapaglalabas ng impormasyon ang Palasyo ng MalacaƱang kaugnay sa naging pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa magasawang Benito at Willma Tiamzon.

Kagabi kasi ay nagpulong ang mga ito sa MalacaƱang matapos harapin ni Pangulong Duterte ang mga magsasakang nagkakampo sa Mendiola.

Batay sa impormasyong lumabas sa media ay pinuntahan din ng mag-asawa ang mga magsasaka na una nang dinaanan ng Pangulo bago magsimula ang pulong sa MalacaƱang.


Kasama sa nasabing pulong sina NDF Chief Negotiator Fidel Agcaoili at dating Manila Vice Mayor Isko Moreno.
hanggang sa ngayon ay inaabangan parin naman ang Malacanang na maglabas ng impormasyon sa nasabing issue.

DZXL558

Facebook Comments