DFA, tiniyak na walang Pinoy na nadamay sa pambobomba sa South Thailand

41

Thailand – Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Bangkok na walang Pilipinong nasaktan o casualty sa pagpapasabog kahapon sa Pattani, South Thailand.

Sa naturang insidente, limampu katao ang nasugatan.

Sa kabila nito, patuloy na nakikipag-ugnayan ang embahada sa Thai authorities para matiyak ang seguridad ng mga Pinoy sa lugar.

Patuloy din na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Filipino community sa Pattani at Narathiwat para matiyak ang kaligtasAn ng bawat Pinoy doon.

DZXL558

Facebook Comments