Manila, Philippines – Mas pinagaan na mismo ng LTFRB ang pagkuha ng Pantawid Pasada cards.
Ito ay sa hangarin ng gobyerno na maabot ang mas nakararaming operator-driver.
Inanunsyo ng ahensya na ang mga qualified franchise holders ay hindi na kailangang magpunta ng personal upang ma-claim ang kaniyang fuel card.
Ito ay maaari nang ma-claim sa pamamagitan ng authorized representative.
Kinakailangan lamang na bitbit nito ang mga sumusunod :
notarized special power of attorney, original at photocopy ng ID ng qualified franchise holder, original at photocopy ng ID ng representative, original OR/CR ng PUJ, original CPC copy o proof of franchise, at pinaka bagong photo ng qualified franchise holder.
hinihikayat ng LTFRB ang mga operator-drivers na nakapangalan ang prangkisa na makipag ugnayan sa kanilang regional office para office para sa makakuha ng karagdagang impormasyon.
Hanggang Nobyembre na lamang ang huling buwan ng pamimigay ng pantawid pasada cards ngayong taon 2018.