KINILALA | Mga tauhan ng NBI na nag imbestiga sa Dengvaxia, pinarangalan

Manila, Philippines – Kinilala ng National Bureau of Investigation ang mga ahente nitong nagsiyasat sa mga kontrobersyal na kaso tulad ng Dengvaxia.

Sa anibersaryo ng NBI, pinarangalan din ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang NBI agents na nag-imbestiga at nagsampa ng kaso sa isyu ng DPWH Right of Way Scam at Boracay Funds at iba pang national anomalies.

Sa kanyang talumpati,hinamon din ni Guevarra ang NBI Agents na huwag magpatinag sa kanilang pagtupad sa tungkulin, pader man ang kanilang makabangga.


Kahapon, nagsampa ang NBI-NCR ng reklamong katiwalian sa DOJ laban kay dating Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Facebook Comments