PINAGALITAN | Cebu Pacific, sinabon ni House Speaker Alvarez sa pagdinig

Manila, Philippines – Binigyan ng ultimatum ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang Cebu Pacific na resolbahin ang mga problemang ibinibigay nito sa publiko.

Pinagalitan ni Alvarez si CebuPac President Lance Gokongwei sa pagdinig ng House Committee on Transportation at inisa-isa nito ang mga paglabag ng airlines sa karapatan ng mga pasahero.

Ayon kay Alvarez, ilan sa mga ito ang hindi paggamit ng tube at pinapabayaan ang mga pasahero na maglakad sa runway.


Dagdag pa dito ang pagbebenta ng CebuPac ng ticket kung saan hindi batid ng mga pasahero na kasama na pala sa ticket na binili ang terminal fee.

Kapag nagpa-cancel ng flight ang pasahero ay walang nairerefund kahit man lamang ang ibinayad sa terminal fee.

Ang CebuPac din umano ang palaging may mahabang linya ng mga pasahero at madalas na delayed flights.

Humirit si Gokongwei ng isang taon para ilipat ang excess domestic flights sa Clark International Airport dahil marami pa silang dapat ikunsidera.

Hindi naman ito pinakinggan ng Speaker dahil hindi matatapos ang katwiran at problemang ibinibigay ng CebuPac sa mga pasahero.

Facebook Comments