PINAGBABARIL | 2 konsehal, sugatan sa pananambang sa Zambales

Sugatan ang dalawang konsehal ng Subic matapos tambangan sa Barangay Simminublan sa bayan ng San Narciso, Zambales.

Nagpapagaling na sa ospital ang mga biktima sina Councilor Roberto Delgado at Elizalde Ricafor.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakasakay ang mga biktima sa isang Sports Utility Vehicle (SUV) nang pagbabarilin ng mga lalaking lulan din ng hiwalay na sasakyan.


Aminado naman ang mga awtoridad na hirap silang makakalap ng impormasyon dahil wala pa silang mahanap na testigo.

Facebook Comments