OPLAN SITA | Anti-illegal drug operations, tuloy kahit Pasko – PNP

Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na magpapatuloy ang kanilang operasyon kontra ilegal na droga kahit na sumapit ang Pasko.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, magkahiwalay na unit ng mga pulis ang magsasagaw ng mga drug operation at ng oplan sita ngayong Kapaskuhan.

Sabi pa ni Albayalde, pagsisikapan nilang mapababa ang bilang ng kriminalidad na talamak tuwing magpa-Pasko.


Facebook Comments