Bacolod City – Sugatan ang dalawang tao matapos barilin ng isang lalaki sa Barangay Vista Alegra, Bacolod City.
Nag-iinuman noon ni Jeremy Toreres at ang anak-anakan na suspek sa labas ng kaniyang bahay.
Tinanong aniya niya ang suspek kung kailan siya maghahanap ng trabaho pero nagalit ito.
Dito na kumuha ng baril sa loob ng bahay ang suspek at binaril si Toreres.
Nadamay rin sa pamamaril ang isang lalaki na kanilang kapitbahay.
Patuloy na ginagamot sa ospital ang dalawang biktima habang hinihintay pa ng pulisya ang mga pamilya nila para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.
Facebook Comments