Cebu City – Patay sa ambush ang abogado ni Kerwin Espinosa, na si Atty. Jonah John Ungab ng tambangan matapos sa kanyang court hearing sa Cebu City Hall of Justice mga alas dose kaninang tanghali.
Si Atty. Ungab ay kasama pa ni Espinosa ng dumalo sa promulgation ng kaso ng kanyang kliyente sa sala ni RTC Branch 23 Judge Generosa Labra.
Matapos sa promulgation ng kaso kung saan nahatulan na guilty si Espinosa sa paglabag sa gun ban ngunit abswelto naman sa illegal possession of firearms.
Naunang umalis si Espinosa kasama ang mga personnel ng National Bureau of Investigation NBI-7, ngunit nagpaiwan si Atty. Ungab para dumalo sa iba pa niyang court hearing.
Noong mag-aalas dose na ng tanghali, umalis na si Atty. Ungab kasama ang kanyang asawa na isa ding abogado, nang sakay na sa kanyang Zusuzi Ciaz, pinagbabaril ito ng riding in tandem, kung saan nagtamo ng sugat sa kanyang ulo at leeg si Ungab mula sa bala ng 45..
Agad isinugod si Atty. Ungab sa isang pribadong ospital sa Mandaue City ngunit binawian sa kanyang buhay.
Si Atty. Ungab ay kasalukuyan ding bise mayor sa bayan ng Ronda, Cebu.
Patuloy pang inaalam ng homicide section ng Cebu City Police Office kung ano ang motibo sa pag-ambush kay Atty. Ungab at kung sino ang mga mamumuno.