PINAGBABARIL | Babae, patay sa pamamaril sa Taguig

Taguig City – Patay ang isang babae matapos barilin sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Alas 6:00 kaninang umaga, naglalakad lang sa kanto ng Road 10 at A. Reyes Street ang biktimang si Janet Diones nang sabayan siya sa paglalakad ng lalaking suspek na nakilala lang sa alyas “Muds”.

Nag-uusap lang umano ang dalawa nang biglang barilin ng lalaki si Diones.


Hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa krimen pero napag-alaman ng pulisya na kapwa sangkot ang dalawa sa iligal na droga sa kanilang barangay.

Facebook Comments