FAKE | General assembly ngayong araw ng PDP-Laban, peke – Sen. Pimentel

Manila, Philippines – Nilinaw ni PDP-Laban President Senator Koko Pimentel na walang ipinatawag na pagtitipon ngayong araw ang partido.

Diin ni Pimentel, peke at hindi otorisado ang PDP-Laban national assembly na gaganapin sa Amoranto Stadium sa Quezon City, na nagsimula ngayong alas nuwebe ng umaga.

Ayon kay Pimentel, ang may pakana ng nabanggit na pagtitipon ay ang mga sinibak na miyembro ng PDP-Laban.


Bunsod nito ay pinayuhan ni Pimentel ang kanilang mga miyembro na mag-ingat at huwag maniwala.

Sinuman aniyang maloloko at mahihingan ng pera ng mga nasa likod ng aktibidad na yan ay makabubuting magsampa ng estafa cases.

Facebook Comments