PINAGBABARIL | Kapitan ng Barangay 14, Pasay City, patay sa pamamaril

Pasay City – Patay sa pamamaril ang kapitan ng barangay 14 sa Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Abdul Akop, 59-anyos.

Nangyari ang pamamaril ala una kaninang hapon sa tapat ng isang fastfood chain sa Vito Cruz, Maynila.


Base sa CCTV footage, si Akop ay pinagbabaril sa tatlong lalaking sakay sa motorsiklo.

Kinukuhanan na ng testimonya ng MPD ang mga saksi, kabilang ang angkas sa motorsiklo ni Akop na nakaligatas sa pamamaril.

Inaalam ng mga imbestigador ang posibleng motibo sa krimen.

Facebook Comments