PINAGBABARIL | Pari, sugatan matapos tambangan ng riding in tandem sa Calamba, Laguna

Laguna, Philippines – Sugatan ang isang pari makaraang pagbabarilin ng 2 lalaking naka motorsiklo sa Brgy. 3, Calamba City, Laguna.

Ayon kay Senior Supt. Rossel Cejas, hepe ng Calamba Police, alas-9:40 ng umaga kanina nang biglang pagbabarilin ng mga suspek ang pari.

Kinilala ang pari na si Rey Urmeneta 64 anyos,


Tinamaan ang pari sa kanyang likod at kaliwang kamay habang hindi nasakyan ang kanyang personal secretary na si Remedios De Belen.

Agad na tumakbo sa papalayong direksyon ang mga suspek habang dinala naman sa Calamba Medical Center ang biktima.

Sa ngayon ay nasa maayos nang kondisyon ang pari.

Sinabi naman ni Cejas na posibleng may kinalaman sa negosyo ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring krimen.

Facebook Comments