PINAGBABARIL | Traffic enforcer – patay sa pamamaril sa Maynila

Binondo, Maynila – Patay sa pamamaril ang isang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Frankilino Welga, 61-anyos na nagsisilbing OIC ng MTPB Task Force Parola.

Ayon sa Manila Police District Station 11, alas 11:30 kaninang umaga nang pasukin ng lalaking naka-face mask at sumbrero ang satellite office sa barangay 275, parola compound saka pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang pamamaril, naglakad lang patawid ng kalsada ang suspek saka tumakas.

Hanggang ngayon ay blanko pa ang mga pulis sa motibo ng pamamaslang.

Facebook Comments