ROAD ACCIDENT | 9, sugatan sa pag-araro ng AUV sa isang restaurant sa isang mall sa Alabang

Manila, Philippines – Siyam ang sugatan sa pagsalpok ng isang AUV sa loob ng isang restaurant sa festival mall sa alabang, muntinlupa.

Linggo ng gabi nang mangyari ang aksidente pero ngayon lang lumabas ang balita matapos na mag-viral sa facebook ang CCTV footage nito.

Sa ulat – hindi raw sinasadyang matapakan ng driver ang gas pedal ng minamaneho niyang Toyota Innova kaya bigla itong umatras at bumangga sa salamin ng Gerry’s Grill Restaurant saka inararo ang mga kumakain doon.


Agad namang isinugod sa Asian Hospital ang mga nasugatan kabilang ang driver ng Toyota Innova.

Nasa maayos na kalagayan na umano ang mga biktima.

Facebook Comments