Manila, Philippines – Pinagmumulta ng 10 milyong piso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang ride hailing company na GRAB Philippines
Ito ang ipinataw na penalty ng LTFRB sa ginawang overcharging o pagsingil ng 2 Pesos per minute waiting time ng Grab Philippines nang walang pag sang-ayon ng regulatory body
Iniutos ng LTFRB na i REIMBURSE o ibalik ng GRAB ang sobrang nasingil sa kanilang mga pasahero.
Alinsunod sa kautusan, gagawing rebate o ibabawas sa bawat pagsakay ng mga naging pasahero ng Grab sa panahong June 5, 2017 hanggang April 19, 2018
Pirmado ang desisyon ni Chairman Martin Delgra at LTFRB board member Ronaldo Cruz
Tanging si Atty Aileen lizada ang hindi pumirma o naghain ng dissenting opinion.
Magkakabisa ang reimbursement o magsisimulang ibalik sa mga naging pasahero dalawampung araw pagkatapos na maging epektibo ang kautusan ng LTFRB.