WISH GRANTED | Birthday wish ng batang may leukemia tinupad ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinasaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batang may Leukemia nang ito ay bumisita sa MalacaƱang kagabi. .

Ipinagdiriwang ng 5 taong gulang na si John Paul Culiao ang kanyang kaarawan kahapon ng makita nito si Pangulong Duterte sa MalacaƱang kasama ang kanyang pamilya.

Ito kasi ang birthday wish ni John Paul para sa kanyang kaarawan at natupad naman ito dahil hinarap ito ng Pangulo kung saan umalis pa ito sa isinagawang Cabinet meeting sa MalacaƱang para harapin si John Paul.


Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, isa si John Paul sa mga benepisyaryo ng isang milyong piso na napanalunan ng MalacaƱang basketball team sa UNTV Cup.

Nakilala ni Go ang bata nang bumisita ang kalihim sa Philippine Childrenā€™s Hospital kung saan nagpapagamot si John Paul.

Nabatid na malapit si Pangulong Duterte sa mga bata lalo na ang mga may sakit at patunay dito ang ipinatayo nitong House of Hope sa Davao City kung saan maaaring pansamantalang tumira ang mga batang may sakit na Cancer.

Facebook Comments