Manila, Philippines – Pinagbibitiw ng grupong ACTO si LTFRB Chairman Martin Delgra.
Dahil ito sa anila ay patuloy na panggigipit ng opisyal sa hanay ng transportasyon kaugnay na rin ng napipintong phase-out ng mga lumang jeepney.
Kanina, sumugod sa tanggapan ng LTFRB ang grupo kung saan iginiit nila na hindi naman lahat ay nakikinabang sa pantawid pasada program ng gobyerno.
Sabi ni ACTO President Efren De Luna, iilan pa lang ang nakikinabang sa programa gayong libu-libo ang mga tsuper at operator na dapat makakuha nito.
Aniya, dapat nang magbitiw sa puwesto si Delgra dahil mukha namang hindi nito alam kung paano gampanan ang kanyang trabaho.
Facebook Comments