Manila, Philippines – Pinagre-resign ni Dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel si DILG Usec. Epimaco Densing III.
Ito ay makaraang ipanawagan ni Densing kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng revolutionary government.
Sa programang Pimentel Reports, sinabi ng dating Senate President na hindi dapat nagbibitaw ng ganoong opinyon si Densing lalo at opisyal siya ng gobyerno.
Sa pagtitipon ng Mula sa Masa Duterte Movement (MMDM) sa Butuan City, matatandaang sinabi ni Densing na pinangungunahan ng ahensya ang panawagan para sa transitory revolutionary government patungong Pederalismo.
Nilinaw naman ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government na hindi opisyal na stand ng ahensya ang sinabi ni densing kundi personal lang nitong opinyon.