PINAGBIBITIW | National Security Adviser Esperon, pinasaringang magbitiw na sa pwesto

Manila, Philippines – Sa tingin ni Senator Antonio Trillanes IV ay dapat magbitiw at maghanap na lang ng ibang trabaho si National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Reaksyon ito ni Trillanes sa pahayag umano ni Esperon na kulang sa mga equipment o kagamitan ang militar para beripikahin ang paglalagay ng China ng missile system sa West Philippine Sea.

Diin ni Trillanes, makikita sa pahayag ni Esperon ang kawalan nito ng inisyatibo para alamin ang mga aktibidad o ang patuloy na militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.


Ipinunto ni Trillanes na pwede namang gamitin ng gobyerno ang intelligence sharing kung saan maaaring magtanong ang kalihim sa mga kaalyadong bansa.

Facebook Comments