NBA | David Fizdale – Bagong coach ng New York Knicks

New York – Matapos sibaking coach ng Memphis Grizzlies noong Nobyembre, magbabalik muli sa nba si David Fizdale.

Si Fizdale ay magsisilbing bagong coach ngayon ng New York Knicks.

Sabi ni Fizdale, masaya siya na maging bahagi ngayong ng Knicks at handa raw siyang ibigay ang lahat ng makakaya niya para muling maipagmalaki ng kanilag mga fans ang team.


Matatandaang hindi naging maganda ang kampanya ng Knicks sa nakaraang liga kung saan bumagsak sila sa 29-53 win/ loss record.

Kumpiyansa naman daw si Knicks President Steve Mills sa karanasan at kakayahan ni Fizdale bilang coach.

Facebook Comments