PINAGBIBITIW | Supreme Court Spokesman Theodore Te, hinamon ni Atty. Ferdinand Topacio ng Citizens’ Crime Watch na magresign na

Manila, Philippines – Pinagre-resign na ni Atty. Ferdinand Topacio ng Citizens’ Crime Watch si Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te.

Kasunod ito ng naging post ni Te sa kanyang twitter account na “I dissent” noong Mayo a onse kung saan nagdesisyon ang SC justices na patalsikin sa pwesto si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Topacio, walang karapatan si Te na maghayag ng kanyang opinyon o boto sa Sereno quo warranto case dahil hindi naman ito mahistrado.


Sinabi ni Topacio na dapat magresign na sa lalong madaling panahon si Te kung may natitira pa itong delicadeza.

Wala na aniyang saysay maging tagapagsalita si Te kung hindi siya kaisa sa diwa ng Korte Suprema.

Malaya rin aniyang magbitiw si Te kung hindi nito tanggap ang desisyon ng SC justices sa Sereno quo warranto case.

Facebook Comments