PINAGBIGYAN | Kahilingan ng DOJ na mailipat ang venue sa criminal cases kaugnay ng natuklasan na shabu laboratory sa Virac, Catanduanes – kinatigan ng SC

Manila, Philippines – Pinagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ng Department of Justice na mailipat sa Metro Manila ang tatlong drug cases laban kay NBI Anti-iIlegal Drugs Unit chief Atty. Eric Isidoro at siyam na iba pa.

Kaugnay ito ng natuklasang mega shabu laboratory sa Virac, Catanduanes.

Sa desisyon ng Supreme Court, iniutos nito na mailipat sa Makati City RTC ang pagdinig sa tatlong kaso.


Una nang hiniling sa Korte Suprema ni dating Justice sec. Vitaliano Aguirre II na mailipat sa Metro Manila ang pagdinig sa nasabing drug cases matapos itong magduda sa partiality ni Virac Judge Lelu Contreras na pinaniniwalaang naiimpluwensyahan ng mga pulitiko sa Catanduanes.

November 2016 nang matuklasan ang nasabing mega shabu laboratory sa Virac kasabay ng pagkakasamsam sa raid ng 22.509 kilos ng shabu, at 359 kilos ng ephedrine at iba pang kemikal.

Facebook Comments