PINAGBINTANGAN | Grab driver na binugbog ng pasahero nito matapos isauli ang naiwang cellphone, nagsampa na ng reklamo

140

Manila, Philippines – Nagsampa na ng kasong serious physical injuries ang grab driver laban sa kaniyang pasaherong nambugbog sa kaniya matapos niyang isauli rito ang naiwang cellphone.

Ayon kay Armando Yabut, Pebrero 9 nang ihatid niya ang pasaherong si Jinno John Simon sa kamuning, Quezon City mula Makati City.

Aniya, naki-charge si Simon ng cellphone sa kaniyang sasakyan pero naiwan nito ang cellphone.

Napansin na lang aniya niya ang cellphone nung nasa Taytay, Rizal na siya.

Kwento pa ni Yabut, nang puntahan niya ang address na ibinigay ng pasahero, pinagbintangan siya nito na nagnakaw ng kaniyang cellphone at binugbog siya.

Pinilit rin aniya siya ng mga tauhan ng Barangay na pumirma ng blotter.

Mariin namang itinanggi ng ilang opisyal ng Barangay kamuning na pinilit nilang makipag-areglo si Yabut at ang pasahero.

Hindi umano nila binalewala ang kalagayan ng nabugbog na tsuper.

Facebook Comments